CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

9.12.2011

Ang hirap pala.
Ang daling sabihin, ang daling magdesisyon
Pero pag gagawin mo na talaga, parang mas madaling umayaw.

Paalam

Siguro panahon na rin para magpaalam sa'yo.

Nakikita kong nakakaya mo na,
nakikita kong umuusbong ka na sa ginagawa mo.
Nakikita kong umuusad ka na.

Nararamdaman ko din na hindi mo na rin siguro kakailanganin ung kalinga ko,

ung alaga ko, ung pagmamahal ko.

Ngayon, nakikita kong isa na lamang ang layunin mo:

Yun ay ang maging mas malapit pa sa Panginoon at ialay ang buhay mo para sa Kanya.

Hindi naman mangyayari iyon kung makikihati ako sa oras mo.
Hindi mangyayari iyon kung hindi ka tutok sa paglilingkod dahil kasama ako sa mga iniisip mo at iniintindi.

Hindi mo naman makakamit iyon kung nakasabit parin ako sa'yo.


Siguro paalam na nga lang yung naghihintay----
Ang "Paalam" na kahit pinupunit pa rin ung puso't isipan ko,

Ito naman yung paalam na magpapalaya na talaga sa iyo.

Yung paalam na ito ay isa din sa pagbitaw ko.

Hindi dahil hindi na kita mahal,
kundi hindi ko kayang umasa habang buhay na 
hinihintay kita at bulag ako sa hinaharap, sa mga mangyayari.


Hindi naman natin alam kung sino talaga para sa atin.
Hindi natin alam kung kailan natin makikilala yung taong pakakasalan natin.
Siguro, nakilala mo na siya, o makikilala pa lang.

Diyos na lang nakakaalam nun.
Pero ngaun kasi,
nahihirapan na din talaga ako.
Kahit sinasabi kong malaya ka na,
nakakulong ka pa rin kasi sa puso ko.
Patuloy pa rin akong umaasa na babalik ka sakin.
Patuloy pa rin kitang hinahanap.
Patuloy pa rin akong umaasa...

sa atensyon mo, sa tawag mo, sa maliit na pag-asang naiisip mo din ako.
Hindi naman kita mabasa.
Kasi para ka ng saradong libro.
Hindi ko na alam nangyayari, kaya nanghuhula ako.
Sa nakikita ko ngayon, mukhang masaya ka na sa ginagawa mo, sa buhay mo.
Hindi ko naman alam kung magkakabalikan pa ba tayo.
Alam ko ding marami kang plano para sa sarili mo, sa YFL,

at lalo na sa pamilya mo.

Hindi naman habang buhay akong maghihintay sa ligaw mo.

Hindi dahil hindi kita kayang hintayin, kundi, kapag naghintay ako,
hindi ako uusbong. Hindi ako lalago. Makukulong lang ako sa'yo.

Mahal na mahal kita.

Kaya nga ang sakit-sakit na gawin 'to.
Pero para sa atin din naman ito.
Para matuto tayo. At mas lumalim pa pananampalataya natin,
para mas kumapit pa tayo sa Panginoon at hindi sa isa't-isa.




Huwag ka mag-alala.
Kahit kailan, hindi mapapantayan ang mga pinagsamahan natin.
Lahat ng napagdaanan natin, nakatatak sa utak ko.
Ang buong ikaw, nakaukit sa puso ko.
Ano ba naman ako para makalimutan ka.
Ngayong, eto na ang epekto mo sa buhay ko.
Binabago mo ako.


Panahon na lang makapagsasabi kung ano talaga mangyayari.
Alam ko namang magiging masaya tayo sa dulo.


Balang araw, mararating din natin ang maligayang dulo.