CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

9.26.2007

Una

Naghihintay ka pa rin ba, o napagod ka na? Kasi pilit kitang nililimot, di ko naman magawa.
Nakatatak ka na nga ata dito eh. Ewan ko ba. Nangungulila ako sa dati mong pagkatao;
ang dati mong ugali at ang dating ikaw. Nawala na ba lahat iyon? Napalitan ka na ba ng
isang taong di ko man lang kilala? Sa panaginip ko nandoon ka. Bakit ba kasi? Wala naman
akong ginagawang masama sa iyo pero ginaganito mo ako. Di mo lang alam, nasasaktan pa rin ako.
Kahit wala na ang dati, may hapdi pa rin. Nakita na natin kung sino ang unang bumitiw, kung sino
ang tumupad at nagpako ng mga pangakong dati nating binitawan. Siguro ako, siguro ikaw.
Pero bigla na lang nag-iba ang lahat. Ano na nangyari sa iyo? Ngayon ginugugol ko ang oras ko
para lang isulat ito. Sabagay, importante ka naman eh. Mga pangakong walang napuntahan,
walang pinatunguhan. Naglaho na lang bigla sa hangin at ulap. Nakalulungkot isiping wala na
talaga. Nabura na ang lahat, nawala. Di na nga siguro maibabalik pa ang noon. Ngayon na lang
at bukas ang mayroon. Mga binitawang salita na dati'y may malaking importansya't kahulugan.
Butil ng mga luhang lumaya mula sa ating mga mata. Di man nakikita ng iba, alam nating atin
lamang ang mundo ng mga pagkakataoong iyon. Lungkot at saya, galak at tuwa, kilig at ngiti,
inis at pag-unawa; bahagi ang mga ito sa isa sa mga pinakamatamis na kabanata ng aking buhay.
Bata pa lang tayo noon at medyo mura pa ng kaunti ang isip. Di pa alam kung ano ba talaga ang
tunay na ibig sabihin. Ngunit alam nating nararamdaman natin iyon, alam natin na nararamdaman
natin ay tama. Gusto kong isigaw at ipamukha sa iyo na: "ISA KANG MALAKING KAWALAN SA BUHAY KO!"
Di ko maikakailang isa kang napakalaking "sayang". Isang panghihinayangan na kahit kailan, di na
maibabalik pa. Kung akala mo nakalimutan ko na ang lahat-lahat, nagkakamali ka. Binabalik-balikan
ko pa rin itong kakaunti mong natitirang alaala. Susubukan ko na lang na di magpadala sa kahit anong
emosyon na maari kong maramdaman ngayon. Pipilitin ko na ang sarili ko na kalimutan ka. Sana ito
na ang huli kong pagpaalam sa masakit na kahapon at ang huli kong pagsabi na "paalam, sinta."

9.07.2007

Paggugunam-gunam...

• • • ---------------------------------------------- • • •

♥ halika't sabay nating lisanin
itong mundong saplot sa dilim
humawak ka lang sa aking mga kamay
at 'wag kang bibitiw
tara na, samahan mo akong lumipad
lumipad papunta sa mga bituin ng ating pangarap
di alintana ang mga tudyo ng mundo
ikaw at ako, tayong dalawa lang ang nandito
lalayo tayo at lalaya
sasabay sa bawat indayog ng ating mga nadarama

♥ nilibot ko ang mundo
mahanap lamang ang bgiti mo
na kasing tingkad at liwanag
ng talang kumikinang
mga tinig lang ng pag-ibig
ang tanging naririnig
mga salita lamang na matatamis
ang kumakawala sa ating mga labi

♥ aalis na ako aking giliw
lilimutin na kita
susubukang burahin ang lahat
ng iyong mga matatamis na alaala

wala rin namang saysay
kung mananatili pa ako
paghihikahos lang ang matatamo
kapag ikaw ang kapiling ko

• • • ---------------------------------------------- • • •

9.05.2007

Baby Rhymes

• • • ------------------------------------------ • • •
hay. ang hirap talaga mag-aral.
lalo na pag ayaw sa teacher.
grrrrrrrrrrrrr.
nakakabadtrip!
anyway, ang random ng title ko.:
Baby Rhymes.
haha. nakita ko lang to sa cd sa may
lalagyan ng mga cd sa tabi ng computer.
haaaaay. meron na akong tutor!
yea. hahaha! bait pa niya. thank God.
hahaha! gets ko na ang dapat magets.
• • • ------------------------------------------ • • •
sabi na nga ba trip lang un.. epal.
pero ayus lang. wala namang kawalan
sa pagkatao ko un eh. bahala siya sa buhay
niya. sinungaling siya... TAE! hahaha!
• • • ------------------------------------------ • • •
ang cute ni tooooooooooooot!
hindi yan si toot na binanggit ko dati ha.
bago yan. hahahhahahahaha!
ganito talaga pag sawi; kung anu-ano
na lang pinaggagawa sa buhay.
• • • ------------------------------------------ • • •
♪♫ Didn't mean to take you for granted.
Didn't mean to show I don't care.
Didn't mean to throw away this once in a
lifetime of chance, of being with you. ♫♪
• • • ------------------------------------------ • • •