CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

2.25.2008

Tula Tala Tula

Pusong Tanso
by Ayana Alica O. De Ocampo

'Di ko mawaglit sa aking gunita
Mga panahong ika'y nakasama
Ba't ganito ang nadarama ko,
Ako ba'y nahuhulog na sa'yo?
'Di pupuwede, 'di maaari
Sana nga'y may mga rason akong masabi
Ngunit 'di ko makalimutan
Ang pagkadiin ng hawak mo
Ang mainit at malapad mong palad, nakatangan sa aking kamay
Ang pagpisil mo sa aking ilong, sa aking pisngi
Na nagdadala ng paglukso sa puso at ng ngiti
Ang iyong mga titig na nakatutunaw
Ang pagtingin natin sa makulimlim na mga ulap at sa langit na bughaw
Habang sinasalo ng aking balat ang mga patak ng ulan
Nadama ko ang muntikan mong paghagkan
Musikang nagagawa ng mga tansong kuwerdas
Ang aliw-iw at pagkalabit ng mga daliri
Ang pagtingala sa mga bituin sa gabing malalim
Mga salitang, bawat segundo, tumitindi
Ang istrukturang bakal sa bandang malayo
Ang binitiwang pangako
Pagbuka ng bibig, paglalim ng dibdib
Tuwa, galak, tawa, ngiti
Lungkot nang ika'y lumisan na
Hanggang ngayon, hinahanap-hanap kita
Oo, may pagtingin ako sa'yo
Oo, gusto kitang mahalin
Ngunit may isang bagay na pilit bumabago sa aking isip
Patawad. Hanggang dito na lang siguro
Ngunit sana hindi
Sana'y 'di pa agad natapos
Mga sandaling ikaw ay katabi




*para sa isang tao.
sana alam niyang siya ito.

2.24.2008

Kasiyahan :)

kanina may kaibigang pumunta
dito sa bahay.

kahit na antok na antok na siya,
at pagod na..
at gusto na magpahinga..

pumunta pa rin siya. :)

ang KUUUULIIIIIIT namin super!

kwentuhan.
heart&&heart.
agawan ng cellphone.
kulitan.
sagutan.haha.
share.share.share.
onting guitar lessons.
paulan.
sugat ako.;c
kilitian.
lamon.haha.
words of wisdom ni nica.
rooftop.
tawa.
picture!
"akin na cellphone ko!"
"please ka muna.."
"no!"





"tingin ka sa tanke na yan.
kung sino ung unang tumingin dyan,
siya ung kahinaan ko."

salamat sa kasiyahan..

gomawo, mel. :)


2.23.2008

Last Night's Mementos

" take a look at me so you can see how beautiful you are "
CLARET JUNIROS' PROM
BATCH-H
hay.
saya kahapon.
super nag-enjoy ako.
thanks jay. :)
gazebo royale.
dance.
ferrero.
flowers.
FOOD♥
and all the CHUVA NESS.
:)

2.22.2008

Bahala Na.

"...despite the fact that men are fools"

hayy..
miss ko siya.
sabi ko nga di na ako aasa.
pero un pa rin ginagawa ko.

tapos kahapon ang lungkot ko.
sobrang bored pa.
hininhintay ko lang siguro siya mgtxt
pero ndi naman nangyari.

kainis. kainis. kainis. >.<

BAHALA NA

kung ano mangyari.
pare-parehas lang naman ung kinalalabasan
ng lahat eh.
diba?



tae.
inis ako.

2.16.2008

Kunwaring Paglaya

Ang kunwaring paglaya
kong ito sa bihag ng panahon
at ng alaala ng nakalipas ay tila
isang paglimot sa lahat--
sa lahat ng mapapait na sandali.
Ang mga sumisidhing pangyayari
ay tuluyan ko nang ibinaon
sa ilalim ng lupa.
Oo, mahal ko siya, minahal ko siya
at mamahalin ko siya ngunit
mahirap mangarap sa wala.
Mahirap umasa sa bagay na
hindi naman natutupad.
Isa siyang bituin na hindi maabot-abot.
Kakalimutan ko na siya.
Kahit ang kapalit nito ay
ang sakit ng paghihinagpis.
Ang kunwaring paglayang ito
ay isang paraan ko sa paglimot.
Kahit tila niloloko lang ang sarili,
kalayaan naman ay natamo kahit sandali.

Sige.. Iyak Lang

**para to dapat kahapon (feb.15.'08)
pero ngaun ko lang na-post.

sige.. iyak lang.
wala namang mawawala eh
tubig lang naman sa katawan.
hay..
ang pait ko naman.
lagi naman eh.. T.T
ampfufuf.. valentine's kahapon.
as usual.. iyak lang ako..
pero at least may nangyaring maganda..
something memorable kahit papano..
:) ♥ :)
pero after nun,
inggit nanaman ako.
at least nandun siya para i-comfort ako.
:)
pero malungkot pa rin eh.

malungkot na masaya..

graabee.
ang daming bitter kahapon..
sige.. buo tayo ng club.

The Single's Club.

totoo naman diba?
SINGLE'S DAY nga kahapon.

lungkot talaga.
nawala pa ung tula ko.

hayyyy..

ngaun naman.
LAST DAY ng mga subjects..
waaaaaaaaa.
ayoookoooo pa grumaduate.
TAE. ampf.>.<

yoko pa mag-aral.

*so damn hungry.

2.13.2008

TAKTENG VALENTINES YAN OH...

AMPFUFU!!!
S**T! valentines na bukas!!
waaaa..
the most dreaded occasion of the year, for me..
ayoko..
ayoko..
ayooookoooooooooo!!!

hay..
eto na naman..
maiinggit nanaman ako.. :(
taeng FLOWERS
taeng CHOCOLATES
taeng STUFFED TOYS
taeng SWEETNESS

ughh.. nilalanggam ako.. graaabee..
grrrr.
kainis.. kainis.. kainis..

hay.. sige. magvalentines kayo..
maghHALLOWEEN ako..
hahaha..



whatever. >.<

2.10.2008

Pagnanais

tuyuin mo ang mga luha
pawiin mo ang lungkot ng pagnais na makapiling ka
pangungulila at pag-ibig
tila lupang lumamon sa akin
sa aking buong pagkatao
kakalat sa sansinukob; sigaw ng puso
damdaming bumubugso
naghahanap, uhaw sa mga yakap at halik
sa pagmamahal at sa iyo
ngiti, tingkad at kislap ng iyong mga mata
nililingon, hinahanap
mga salitang sumasakay lamang sa ihip ng hangin
naglalakbay papunta sa iyo
indayog ng damdamin, dinggin mo
musikang nagagawa ko, ala sa iyo


2.05.2008

LOVE.LOVE.LOVE

I now realize how powerful love is.
How it can create worlds and sweep nations.
How it can turn knowledgeable men into pathetic fools,
And fools into determined ones.
All for love,
Love is for all.
Love need not material things,
Need not worldly allurements,
Need not wealth and power
But only itself.
Only love, pure love which gives meaning to everything
And life to all.
Love is immense.
It can kill,
It can bring forth life,
It can destroy,
It can fulfill.
Love is universal in which it beats in every heart of every human being.
Whether it be love some reason or another.
Love can divide and conquer.
Love can vanquish and reign.
Love chooses no one and no one escapes it.
Love is a mystery still unanswered, ungrasped.
It gives joy and at the same time, sorrow.
It gives hope and at the same time, despair.
There will never be a right time for the wrong love
And the right love at the wrong time.
It's planned.
Everything that revolves around it is planned.
Love basically sums up all.
It's just a matter of using either or both of the two--
The heart or the mind.



*wahaha. wala lang. bigla lang akong sinipag.
don't mind the wrong grammar if there is any.