CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

2.25.2008

Tula Tala Tula

Pusong Tanso
by Ayana Alica O. De Ocampo

'Di ko mawaglit sa aking gunita
Mga panahong ika'y nakasama
Ba't ganito ang nadarama ko,
Ako ba'y nahuhulog na sa'yo?
'Di pupuwede, 'di maaari
Sana nga'y may mga rason akong masabi
Ngunit 'di ko makalimutan
Ang pagkadiin ng hawak mo
Ang mainit at malapad mong palad, nakatangan sa aking kamay
Ang pagpisil mo sa aking ilong, sa aking pisngi
Na nagdadala ng paglukso sa puso at ng ngiti
Ang iyong mga titig na nakatutunaw
Ang pagtingin natin sa makulimlim na mga ulap at sa langit na bughaw
Habang sinasalo ng aking balat ang mga patak ng ulan
Nadama ko ang muntikan mong paghagkan
Musikang nagagawa ng mga tansong kuwerdas
Ang aliw-iw at pagkalabit ng mga daliri
Ang pagtingala sa mga bituin sa gabing malalim
Mga salitang, bawat segundo, tumitindi
Ang istrukturang bakal sa bandang malayo
Ang binitiwang pangako
Pagbuka ng bibig, paglalim ng dibdib
Tuwa, galak, tawa, ngiti
Lungkot nang ika'y lumisan na
Hanggang ngayon, hinahanap-hanap kita
Oo, may pagtingin ako sa'yo
Oo, gusto kitang mahalin
Ngunit may isang bagay na pilit bumabago sa aking isip
Patawad. Hanggang dito na lang siguro
Ngunit sana hindi
Sana'y 'di pa agad natapos
Mga sandaling ikaw ay katabi




*para sa isang tao.
sana alam niyang siya ito.

0 comments: