CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

2.10.2008

Pagnanais

tuyuin mo ang mga luha
pawiin mo ang lungkot ng pagnais na makapiling ka
pangungulila at pag-ibig
tila lupang lumamon sa akin
sa aking buong pagkatao
kakalat sa sansinukob; sigaw ng puso
damdaming bumubugso
naghahanap, uhaw sa mga yakap at halik
sa pagmamahal at sa iyo
ngiti, tingkad at kislap ng iyong mga mata
nililingon, hinahanap
mga salitang sumasakay lamang sa ihip ng hangin
naglalakbay papunta sa iyo
indayog ng damdamin, dinggin mo
musikang nagagawa ko, ala sa iyo


0 comments: