Ang kunwaring paglaya
kong ito sa bihag ng panahon
at ng alaala ng nakalipas ay tila
isang paglimot sa lahat--
sa lahat ng mapapait na sandali.
Ang mga sumisidhing pangyayari
ay tuluyan ko nang ibinaon
sa ilalim ng lupa.
Oo, mahal ko siya, minahal ko siya
at mamahalin ko siya ngunit
mahirap mangarap sa wala.
Mahirap umasa sa bagay na
hindi naman natutupad.
Isa siyang bituin na hindi maabot-abot.
Kakalimutan ko na siya.
Kahit ang kapalit nito ay
ang sakit ng paghihinagpis.
Ang kunwaring paglayang ito
ay isang paraan ko sa paglimot.
Kahit tila niloloko lang ang sarili,
kalayaan naman ay natamo kahit sandali.
2.16.2008
Kunwaring Paglaya
Posted by yananess at 9:55 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)




































0 comments:
Post a Comment