CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

8.30.2010

nasaktan ko nanaman siya.


sinaktan ko nanaman sarili ko kasi nasaktan ko siya.

kelan ba ako madadala?



sana maayos na to.
sana maayos na ako.
sana maging maayos na ako.
sana maayos na kami.


please, God.
help me.

Hanggang
by Wency Cornejo


Hanggang
Ilang ulit mo nang
Itinatanong sa akin
Kung hanggang saan
Hanggang saan, hanggang kailan
Hanggang kailan magtatagal
Ang aking pagmamahal

Hanggang may himig pa akong naririnig
Dito sa ating daigdig
Hanggang may musika akong tinataglay
Kita'y iniibig

Giliw huwag mo sanang isipin
Ikaw ay aking lilisanin
'di ko magagawang
Lumayo sa 'yong piling
At nais kong malaman mo
Kung gaano kita kamahal


Hanggang ang diwa ko
Tanging sa 'yo laan
Mamahalin kailanman
Hanngang pag-ibig ko'y
Hanggang walang hanggan
Tanging ikaw lamang

Giliw huwag mo sanang isipin
Ikaw ay aking lilisanin
'di ko magagawang
Lumayo sa 'yong piling
At nais kong malaman mo
Kung gaano kita kamahal

Hanggang may puso akong marunong magmahal
Na ang sinisigaw ay laging ikaw
Hanggang saan, hanggang kailan, hanggang kailan kitang mahal
Hanggang ang buhay ko'y kunin ng maykapal

giliw huwag mo sanang isipin
Ikaw ay aking lilisanin
'di ko magagawang
Lumayo sa iyong piling
Hanggang may pag-ibig
Laging isisigaw tanging ikaw

"Hanggang saan, hanggang kailan,


Hanggang kailan magtatagal ang aking pagmamahal?"

-Hanggang, Wency Cornejo

bakit ganun?


hindi na nagiging patas ang buhay.

hindi na pantay ang mga pagkakataong masaya ako at malungkot.

bakit lagi ko na lang hindi nadadaanan ung mga masasaya?
lagi ako napapadpad sa dun malungkot na isla.


puro lungkot, lungkot at lungkot.




parang napapansin ko palungkot ako ng palungkot.

lalo din lumalalim ung hukay sa puso ko.
lalong nababaon ung mga pagkadismaya at pilit na paglimot.
lalong dinidiin ung sakit at pagkainis.



Hindi na ba ako sasaya?


Lagi ako ganito.
Hindi na ba niya ako napapasaya?


Siguro.


Siguro nga.


Pero mahal ko pa rin siya.
Bakit kaya?
Ewan.

Baliw ako eh.





Maraming kulang,
maraming pagkukulang,
maraming hindi napupunan
pero..



andito pa rin ako.
hindi umaalis.

iniinda na lang ung sakit.


Grabe, nasasaktan na pala ako.
Ngayon ko lang napagtanto.


Kaya pala umiiyak ako gabi-gabi habang nagdadasal
kay God na sana maging ok ang lahat.



Nakalulungkot.
Hindi naman kasi kami ganito dati.

Pero ganito na ngayon.
Ayaw ko umalis.
Mahal ko siya.
Pero gusto ko siya makalimutan kahit minsan lang para hindi na muna ako malungkot.. pansamantala.


Kasi pag naiisip ko siya lalo ko lang siya hinahanap.
Tapos pag hinanap ko, WALA NAMAN.



Ewan. bahala na talaga si God.
Kung gusto pa niyang patagalin kami, at sana oo, eh di ganun.
Pero kung nakikita na niya talaga akong nasasaktan, baka gumawa na si God ng paraan. Pero sana wag ngayon.
Next time na lang, IN CASE mawala na talaga lahat. Dun na lang niya gawin para hindi masakit.


Lord, kayo naman talaga bahala samin. Hawakan niyo kami para hindi kami mawala. Please.
Kasi po parang ako nawawala na. Pero ayaw ko po talagang tuluyang mawala ako.
Alam ko pong nandyan lang kayo. Hindi niyo kami iiwan. Amen.

sana nga talaga tumupad siya sa usapan..


na tatawag siya kapag may time.


pero sabi ko nga dati diba,
hindi na talaga ako nageexpect ng anything from him.


so what the heck.


pero parang hanggang dito niloloko ko pa rin sarili ko.
kasi deep inside gusto ko talagang tumawag siya.
gusto ko na gumawa siya ng paraan.

pero wala eh.


isang malaking..


BAHALA NA.

bahala na kung ano mangyari samin.

pero sabi ko nga,
pinipilit kong hindi na ako magexpect ng kahit ano na gagawin niya.



wala na talaga eh.
sorry.

words will never be enough.

8.26.2010

ayaw kong dumating ung point na so sobrang pagtapal ko sa pagkamiss ko sa kanya,

so sobrang sinasanay ko na sarili ko na hindi malungkot pag namimiss ko siya..

baka dumating ung time...

HINDI KO NA TALAGA SIYA MAMISS..


nakakatakot kaya un.
ung pag hindi ko na siya namimiss,

ibig sabhin,
bawas na bawas na ung nararamdaman ko sa kanya.

Kung ikukumpara, parang dati umaapaw pa ung baso, sobra-sobra
pero baka dumating ung time, kalahati na lang.



Wag sana.
Nakakalungkot lang talaga.


AYAW KONG MAGSAWA.


Pero kung puro na lang namimiss ko siya at di ko naman siya nakikita,
baka magsawa na akong mamiss siya?
hala. wag naman.


Ayaw ko lang mapagod na magexpect sa wala.

8.25.2010

hindi ko nararamdaman ung "MAHAL na MAHAL".


mahal lang? pwede pa siguro.

Pero nawawala na talaga kasi ung "MAHAL na MAHAL"



Wala lang siguro oras.
Pero diba importante un?



Nalulungkot lang isipin na
hindi na ako nageexpect....


Pano masusustain ang pagmamahal kung hindi naman nagkikita?
OO. walang may kasalanan samin.
kasalanan ng taeng sched na yan
kaya hindi ko na nakikita ung nagpapasaya sa bawat araw ko.
kaya hindi ko na nakikita ung taong isa sa mga bumubuo ng buhay ko.


kasalanan ko ba?
na mahal ko si mac?

hindi naman diba.


hindi ko din kasalanan na araw-araw hinahanap-hanap siya ng sistema ko.


pero ang masaklap dun,
isang beses lang talaga kami magkikita sa isang linggo,
halos isang oras lang sa ISANG BUONG LINGGO.


tapos hindi pa siya mahilig tumawag.
kundi pagod, paos,
kundi paos, masama pakiramdam,
kundi masama pakiramdam, inaantok na.



Iba na nga talaga lahat.
Hinding-hindi na kagaya ng dati.
Ibang-iba na.



Sa ayaw at sa hindi...
ang pagkikita at paglalaan ng oras ay ISANG MALAKING BAHAGI sa isang relasyon.


karugtong na dun ung SAKRIPISYO.



pero sana hindi na niya to mabasa.
sasabhin nanaman niya,
"ano pa ba gusto mong gawin ko? eh ginagawa ko na lahat."


Talaga? LAHAT?


di ko lam.
pero ako hindi ko nararamdaman un.





OO NA. OO NA. OO NA.
Di na kelangan ulitin at ulitin pa.


AKO LAST PRIORITY.
I GET IT.


YFL..
FAMILY..
STUDIES..
AT..
MARAMI..
PANG..
IBA..
..
..
..
..
tapos si Yana.




Ang sakit lang minsan isipin kasi
hindi na ako nabbigyan masyado ng pansin.


Pero ok lang.
ganun naman diba?


SACRIFICE.



Ang sakit nga talaga magmahal.


Bat pa kasi nagmamahal diba?
Pero ganun eh.


Mahal ko siya eh.



HINDING-HINDI na maibabalik ung times na nagkasama kami ng matagal.
KASI IBA NA TALAGA LAHAT.



Pero tago na lang to.
bahala na.

Ayaw ko n ng drama.
Kahit puro drama nararamdaman ko.

"ano nanaman nakain mo bat ang emo-emo mo jan??"
"emo emo nanaman ni baby."


OO NA EMO NA AKO.
Emo naman lagi eh.

Bat ba ako nagiging emo?
eh di dahil din sayo.


ayaw ko na tuloy to.hayy.

8.24.2010

slowly drifting away from him,

bit by bit.
one moment at at time.

Trying now to prepare myself for the worst that could happen.


The promises and dreams slowly blurring.

8.15.2010

expectations

"Expect little, give much."


Alam ko ako last niyang priority,
Na kapag may plan, siyempre uunahin dapat niya ang
yfl, school at family.

Ngayon,
eto na lang masasabi ko.

Hindi na talaga ako nageexpect ng something big from him.

Ayaw ko na mag-expect ng something
mapasurprise pa yan or simpleng something na matutuwa ako,
wala na.


Sigurado once na magexpect ako, baka madisappoint lang ako.
tapos iiyak nanaman ako.


pero ndi ba unfair un sakin?
wala lang.

ndi naman sa nageexpect ako ng something from him,
dahil sinurprise ko siya nung monthsary.
pero gusto ko din na may gawin din siya.


PERO UN NGA,
Give and expect nothing in return.

SO I'M REALLY TRYING MY BEST NOT TO EXPECT ANYTHING FROM HIM.

kaya siguro nalulungkot ako.

Ung parang unti-unti ko ng tinatatak sa utak ko na
"ah.. wala na yan. wag ka na lang magexpect. baka masaktan ka lang."



So san napunta ung "give and take" sa relationship?
di ko rin alam.


Basta bahala na.

Si God na bahala magsabi kay mac lahat ng dinadasal ko gabi-gabi.
amen.


"When we try not to expect, we conclude."