CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

8.30.2010

bakit ganun?


hindi na nagiging patas ang buhay.

hindi na pantay ang mga pagkakataong masaya ako at malungkot.

bakit lagi ko na lang hindi nadadaanan ung mga masasaya?
lagi ako napapadpad sa dun malungkot na isla.


puro lungkot, lungkot at lungkot.




parang napapansin ko palungkot ako ng palungkot.

lalo din lumalalim ung hukay sa puso ko.
lalong nababaon ung mga pagkadismaya at pilit na paglimot.
lalong dinidiin ung sakit at pagkainis.



Hindi na ba ako sasaya?


Lagi ako ganito.
Hindi na ba niya ako napapasaya?


Siguro.


Siguro nga.


Pero mahal ko pa rin siya.
Bakit kaya?
Ewan.

Baliw ako eh.





Maraming kulang,
maraming pagkukulang,
maraming hindi napupunan
pero..



andito pa rin ako.
hindi umaalis.

iniinda na lang ung sakit.


Grabe, nasasaktan na pala ako.
Ngayon ko lang napagtanto.


Kaya pala umiiyak ako gabi-gabi habang nagdadasal
kay God na sana maging ok ang lahat.



Nakalulungkot.
Hindi naman kasi kami ganito dati.

Pero ganito na ngayon.
Ayaw ko umalis.
Mahal ko siya.
Pero gusto ko siya makalimutan kahit minsan lang para hindi na muna ako malungkot.. pansamantala.


Kasi pag naiisip ko siya lalo ko lang siya hinahanap.
Tapos pag hinanap ko, WALA NAMAN.



Ewan. bahala na talaga si God.
Kung gusto pa niyang patagalin kami, at sana oo, eh di ganun.
Pero kung nakikita na niya talaga akong nasasaktan, baka gumawa na si God ng paraan. Pero sana wag ngayon.
Next time na lang, IN CASE mawala na talaga lahat. Dun na lang niya gawin para hindi masakit.


Lord, kayo naman talaga bahala samin. Hawakan niyo kami para hindi kami mawala. Please.
Kasi po parang ako nawawala na. Pero ayaw ko po talagang tuluyang mawala ako.
Alam ko pong nandyan lang kayo. Hindi niyo kami iiwan. Amen.

0 comments: