Tapos na.
Matapos ang 3 araw na walang humpay na pag-iyak.
Grabe. Sakit. Sobra.
UNANG SUNTOK.
Sila na. X(
Wala na si ++++++++++ sa buhay ko.
tapos na.
Wala na ang dati.
Ang lahat, di na mauulit.
Walang wala na.
At SIYA ang dahilan ng dating sakit na dinanas ko.
Oo, siya.
Bakit ba ung mga wala ako, meron siya?
Ung mga 'di ko kayang gawin, nagagawa niya?
Bakit MAS HIGIT siya sakin?
Kinuha niya na lahat.
Lahat meron siya.
Nabuhay ba siya para inggitin ako.
Para ipamukha sakin na mas higit siya sakin?
Kahit ayaw kong tanggapin, nagagalit ako sa kanya.
Kahit ayaw kong isipin, paulit-ulit na umiikot ang pagkahigit niya sakin.
TAKTENG YAN!
Un oh.
TAE.
IKALAWANG SUNTOK.
Malinaw na.
Wala siyang gusto sakin.
Ung tipong di niya ako type.
matapos kong palampasin ang 3 lalaking nagmamalasakit sakin para lang sakanya,
dahil sobrang sobrang gusto ko siya.
WALA SIYANG GUSTO SAKIN.
wala na akong magagawa doon.
Ang saya ng buhay ko noh?
BERIGUD.
NAPAKASAYA..
Excited na akong mabuhay. T.T
pero kahit maga na mata ko kakaiyak..
laki ng eyebags ko kakapuyat..
magulo ang kwarto ko kakabato ng gamit..
basa na ang unan ko at ubos na ang mga panyo kakapunas ng luha at sipon..
kumbaga, WASTED NA WASTED NA...
thankful ako kay God dahil binigyang-linaw niya na lahat.
Di na ako aasa pa.. Di na ako iisip ng "malay mo.."
At least malaya na ako..
Sa ngayon..
DOBLENG SUNTOK.
DOBLENG SAKIT.
AWCH.
PUTA. >.<
5.28.2008
Dobleng Suntok X[
Posted by yananess at 9:15 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)




































0 comments:
Post a Comment