CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

7.21.2009

minsan natatakot na akong mawala siya.
minsan 'di ko mapigil sarili ko na amining hinahanap-hanap ko siya.
minsan nalulungkot ako kapag naiisip kong anumang oras pwede siyang umalis sa buhay ko.
minsan hindi ko na maintindihan sarili ko kapag may nararamdaman akong responsibilidad para sa kanya.

sa umpisa hindi ko naman ginusto ito.
pero nung nangyari na..
inaamin kong tama pala na bumigay ako
at hayaang mahalin ako.

andito nanaman ako sa butas na to.
mahirap umalis kapag nahulog na.
sana hindi na maulit ung dati.

di ako makapaniwala pero sinasabi ko na to.
sana siya na.
siya na ung hinaharap, kinabukasan, at maligayang dulo.


minsan kapag nagdadasal ako,
ndi ko alam kung nadudulas lang dila ko
o totoo na ba at ayaw ko lang aminin sa sarili ko.

kapag sinasabi na niya un.
parang gusto ko na rin ibalik ung sinabi niya.
pero kapag ginawa ko un
mag-iiba na ang lahat.
magkakaroon na ng malaking pagbabago.

hindi lang basta sinasabi un diba?
dapat nararamdaman un at pinagiisipan.
sa kanya napagdesisyonan na niya.
kaya nasasabi na niya.
pero ako hindi ko pa rin alam hanggang ngayon.
naguguluhan ako.
nalilito.
nag-iisip.


kapag mahal mo na daw ung tao,
hindi ibig sabihin na naramdaman mong
mahal mo na siya..
kundi pinagdesisyonan mo na..
na mahal mo na nga siya.


sa totoo lang may nararamdaman na talaga ako.
pero malabo pa kung ano talaga.
basta ang alam ko sigurado na.
pero hindi pa ngayon.
hindi pa ngayon
pero alam kong mangyayari na.


namimiss ko na siya..

0 comments: