may mga panahong
minsan akala mo totoo ang panaginip.
di maka-alis.
di maka-gising.
kala mo tuluyan ka nang nakulong
sa mundong ito.
ang hirap matulog.
lalo na kung buhay mo na ang nakataya.
Nanaginip ako kanina.
Papatayin daw ako ng isang lalaking
baliw na wala sa tamang pag-iisip.
Uubusin daw niya ang hangin hanggang di na ako makahinga
gamit ang plastic.
Sobrang nakakatakot.
Sinisigaw ko pangalan ng mga magulang ko.
Sumisigaw ako ng "tulong", "tulungan niyo ako"
Di ko maisip na ganun pala ang malapit ng mamatay.
Wala man lang ako kalaban-laban.
Wala ako magawa.
Sigaw lang kaya ko.
Hanggang maubos na hininga ko.
Di na nga ako makapag-isip ng maayos
dahil alam kong malapit na oras ko.
sobra talaga.
at ang hirap pa doon..
sa sarili kong kwarto nangyari....
Natatakot ako.
Parang ayaw ko na ulit matulog.
Natatakot ako baka di na ako magising.
Ayaw ko na ipikit ulit mga mata ko.
Ayaw ko na bumalik sa pangyayaring iyon.
pero kahit ganun pa man....
mabait ang Diyos.
sa panaginip ko..
nakatakas ako.
nakaalis sa impyernong kinalalagyan ko.
buti di ako pinigilan ng mamamatay-tao.
buti di niya ako nahuli.
dahil siguro..
kung nahuli niya ako....
malamang walang
nagttype dito ngaun.
pilit ko na lang kinalilimutan
iyong panaginip na iyon.
habang umaasang
di ko na balikan iyon.
ayaw ko na bumalik
sa panaginip na yon.
ayaw ko na.
baka sa susunod
di na ako makatakas.
Panginoon,
salamat po.
maraming, maraming salamat.
salamat po at buhay pa ako.
2.21.2009
takas.
Posted by yananess at 10:25 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)




































0 comments:
Post a Comment