Ang pagluha kong ito ay walang mararating.
Walang patutunguhan ang paghihinagpis na inaalay sa taong manhid.
Bakit masakit? Nakadudurog ng puso na iningat-ingatan ko.
Kahit paglimot man wala nang magagwa pa.
Sa utak ko, nakatatak na siya at di na mabubura.
Mahapdi talaga. Gusto kong sumigaw,
gusto kong isigaw sa harap niya ang totoo at ang nararpat
ngunit nakatingin siya sa iba.
Ibang tao ang tinitibok ng puso niya.
Wala nang saysay ang pag-asa at pagnais.
Tinakbuhan na ako ng pangarap ko, nilayuan na ako.
Anong ipagmamalaki ko?
Walang-wala ako kumpara sa lahat ng babae sa mundo.
Umasa ako, nangarap at nagmahal ngunit napunta lang sa wala.
Sa kawalan nahulog ang lahat-lahat.
Ang swerte nga naman talaga ng mga taong nagmamahal at may minamahal.
Masaya sila, buti pa sila.
Ako, hindi ba ako sasaya?
Wala ba akong karapatang sumaya?
Inagaw na nila ng lahat.
Sa akin, wala nang natira.
Lagi akong sablay pagdating sa pagmamahal.
Ang inaalay ko napupunta lang sa wala,
kung hindi naman ay naglalaho na parang bula.
Wala nang saysay itong aking pagluha kung mapupunta na lamang sa kanya.
8.10.2007
Isang Tula, Isang Paghihinagpis
Posted by yananess at 6:12 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)




































0 comments:
Post a Comment